LGU-Bayambang, Pinarangalan ng Red Cross Pangasinan Chapter; 2 RHU Staff, Blood Galloner Awardees

Ang LGU-Bayambang ay pinarangalan ng Pinabli Award mula sa Philippine Red Cross-Pangasinan Chapter, matapos ito ay magkapagbigay ng 485 blood bags noong nakaraang taon (2024).

May dalawang staff naman mula sa RHU II at RHU III na Blood Galloner awardees, mga donor na nakapag-donate ng higit sa 10 bags ng dugo: sina Ignacia Asuncion at Christian Dave Aquino.

Ang awarding ceremony ay ginanap kahapon, Agosto 27, 2025, sa Lingayen, Pangasinan. (RSO; RHU I)