Kinilala ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Revenue District 4 ang Lokal na Pamahalaan ng Bayambang at si Ms. Lady Ann Razzel Purisima ngayong araw, Hulyo 22, 2026, dahil sa kanilang natatanging kontribusyon sa paglago ng koleksyon ng buwis.
Kinilala ng BIR ang LGU-Bayambang at si Ms. Purisima matapos makapagtala ang bayan ng 498% na pagtaas sa tax payment noong buwan ng Mayo 2026, kumpara sa koleksyon noong nakaraang taon.
Dahil dito, ang Bayambang ay kinalala na may pinakamataas na pagtaas ng ibinayad na buwis o “Highest Increase in Tax Payment” sa lahat ng LGU sa ilalim ng hurisdiksyon ng distrito. (KB/RSO; photos: Accounting Office)


