LGU-Bayambang, Pinakaunang ICS Ladderized Course Completer sa Region 1

Ang Local Government Unit (LGU) ng Bayambang, sa ilalim ni Mayor Niña Jose-Quiambao, kaagapay ang Municipal Disaster Risk Reduction Action Office, ay ang unang LGU na makakumpleto ng pagsasanay sa Incident Command System (ICS), ayon sa ulat ng Office of Civil Defense Regional Office 1.

Ito ay matapos grumadweyt ang 24 katao mula sa LGU ng ICS Level IV o Training for Instructors noong February 12-16, 2024, sa Monarch Hotel, Calasiao, Pangasinan.

Gamit ang Program for Enhancement of Emergency Response (PEER) bilang pamantayan, ang mga kalahok ay dumaan sa serye ng interactive na talakayan o workshops at demonstrasyon upang maging isang epektibong implementers ng ICS training.

Ang ICS Training ay isa sa mga advanced course sa ilalim ng National DRRM Education and Training Program ng OCD. (ni Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan: OCD-ROI)

https://www.facebook.com/MDRRMO400/posts/pfbid02Z9RcL9xDo8SnUJK6eQQRamvJqLDVrNu4sNSxHC1Vc6wp1YxT1Vs5Z1mCwazysi3Hl