LGU-Bayambang, Napiling Panelist sa Philippine Poverty Reduction Summit 2025!

Sa araw ng panunumpa ng ating Mayor Niña Jose-Quiambao at mga bagong halal na opisyal, ang LGU-Bayambang ay naimbitahan sa Philippine Poverty Reduction Summit 2025 bilang isang natatanging bayan na napili ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) na maging plenary session panelist sa talakayang “Harnessing Best Practices in Local Poverty Reduction Efforts” (Paggamit ng Pinakamahuhusay na Gawain sa Pagpapababa ng Kahirapan sa Lokal na Antas).

Ayon kay Municipal Administrator at Bayambang Poverty Reduction Action Team head, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, “Isang karangalan ang imbitasyong ito dahil ipinapakita nito ang pagkilala sa ating matibay na paninindigan na labanan at tuluyang wakasan ang kahirapan.”

Ang summit ay ginanap noong July 1, 2025, sa Crowne Plaza Manila Galleria, Quezon City.

Binigyang papuri ng moderator na si Lope B. Santos III, Secretary at Lead Convenor ng NAPC, ang Bayambang bilang tanging munisipalidad na mayroong umiiral na ‘Rebolusyon Laban sa Kahirapan.’ (RSO; Francis Lord Salosagcol, John Paul Domingo/BPRAT)