Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month (NDRM) 2026 na may temang Naghahanda at Kumikilos para sa Panatag na Bagong Pilipinas, dumalo ang Lokal na Pamahalaan ng Bayambang sa Regional Kick-Off Program noong Hulyo 1, 2026 na ginanap sa Hotel Ariana and Restaurant, Paringao, Bauang, La Union. Kinatawan ang LGU Bayambang ni LDRRMO Genevieve N. Uy.
Pormal na binuksan ang programa sa pamamagitan ng mensahe ni ASEC. Laurence E. Mina, Civil Defense Deputy Administrator for Operations ng Office of Civil Defense at Acting Regional Director ng OCD Region 1. Nagbigay rin ng kanilang mga mensahe ng suporta sina DIR. Jonathan Paul M. Leusen Jr., CESO III ng DILG Region 1, DIR. Marie Angela S. Gopalan ng DSWD Field Office I, at DIR. Stephanie F. Christiansen ng Department of Economy, Planning, and Development Region 1.
Tampok sa programa ang mga mahahalagang talakayan at presentasyon ukol sa Ligtas Pinoy Center, National Disaster Risk Reduction and Management Framework (NDRRMF), NDRRMC Memorandum No. 112, s. 2026 tungkol sa Standard Classification at Minimum Standards para sa Philippine USAR at WASAR Teams at mga inirerekomendang kagamitan para sa USAR, Relief Augmentation Process in Disaster Response Operations, New Guidelines on the Management of the Dead and Missing, DRRMC Situation Reporting System, at ang Enhanced Gawad KALASAG Guidelines and Toolkits for CY 2026.
Ang pakikilahok ng MDRRMO Bayambang sa naturang aktibidad ay nagpapatibay sa patuloy nitong layunin na mapalakas ang kahandaan, koordinasyon, at kakayahan ng lokal na pamahalaan sa pagharap sa mga sakuna, bilang bahagi ng pagsulong ng isang Panatag na Bagong Pilipinas.







