Isang panibagong hakbang tungo sa mas mabilis at maayos na serbisyong medikal ang ibinigay sa bayan ng Bayambang sa pamamagitan ng pagkakaloob ng Patient Transport Vehicle (PTV) mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Idinaos ang pormal na turnover ceremony noong araw, ika-9 ng Hulyo 2025, sa Quirino Grandstand, Manila, kung saan personal na ipinamahagi ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang mga nasabing sasakyang medikal sa mga piling lokal na pamahalaan sa buong bansa.
Isa ang bayan ng Bayambang sa natatanging sampung LGU sa lalawigan ng Pangasinan na nakatanggap ng nasabing PTV.
Sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, pormal na tinggap ni SATOM Dr. Cezar T. Quiambao ang donasyon.
Ang bagong ambulansyang ito ay magsisilbing dagdag suporta sa mga emergency medical response operations ng LGU, lalo na sa mga malalayong barangay na nangangailangan ng agarang transportasyon para sa mga pasyenteng kailangang isugod sa pagamutan. (KB/RSO; PCSO)
#TotalQualityService
#NiñaAroTaka




