Ang LGU-Bayambang, sa pamumuno ni Mayor Niña Jose-Quiambao, ay muling nakatanggap ng Good Financial Housekeeping Certification.
Sa pinakahuling audit ng DILG Region I para sa taong 2024, matagumpay na pumasa ang LGU-Bayambang sa 2024 Good Financial Housekeeping (GFH) assessment, isang kongkretong patunay ng dedikasyon ng LGU sa financial transparency, accountability, at mahusay na pangangasiwa ng kaban ng bayan.
Ang pagkilalang ito ay nagpapatunay sa pagsisikap ng LGU na matiyak na ang mga pondo ng gobyerno ay nagagamit nang wasto para sa kapakanan ng buong pamayanan. Pinapahalagahan din nito ang pagsunod sa pinakamahuhusay na gawi sa pananalapi sa lokal na pamamahala.
Ayon sa DILG Region I sa kanilang anunsyo sa opisyal na page, ang GFH certification, na dating kilala bilang Seal of Good Housekeeping, ay ibinibigay sa mga LGU na sumusunod sa mga itinakdang accounting at auditing standards, alituntunin, at regulasyon. Kasama rito ang pagkakaroon ng Unqualified o Qualified na Opinyon mula sa Commission on Audit (COA) para sa nakaraang taon, pati na rin ang ganap na pagsunod sa Full Disclosure Policy sa lokal na badyet, pananalapi, mga bidding, at pampublikong transaksyon.
“Sa tagumpay na ito, nagtakda [ang LGU] ng mataas na pamantayan sa mabuting pamamahala, na muling iginigiit ang kahalagahan ng transparency at accountability sa lokal na administrasyon.”