LGU-Bayambang, Nagtamo ng 98.13% sa Child-Friendly Local Governance Audit 2025

Ipinamalas ng Pamahalaang Lokal ng Bayambang ang matatag na paninindigan sa pagsusulong ng karapatan at kapakanan ng mga bata matapos makamit ang mataas na 98.13% na marka sa isinagawang Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA) 2025 ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ang nasabing resulta ay patunay ng patuloy na pagpapatupad ng mga programa at serbisyong nakatuon sa proteksyon, edukasyon, kalusugan, at kabuuang kapakanan ng mga kabataang Bayambangueño. Ipinapakita rin nito ang maayos na koordinasyon ng iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan at mga katuwang na sektor upang matiyak ang isang ligtas, inklusibo, at makabata na komunidad.

Sa patuloy na pagsusumikap ng LGU, nananatiling prayoridad ang pagtataguyod ng isang Bayambang na tunay na child-friendly at may malasakit sa susunod na henerasyon. (RSO; WMC)