Ang mga opisyal ng LGU-Bayambang ay bumisita sa bayan ng Urbiztondo upang magbenchmarking activity sa Urbiztondo Water Services ng LGU-Urbiztondo noong Agosto 28, 2025.
Kanilang inalam ang best practices ng naturang ahensya upang maaral kung alin ang maaaring iapply sa bayan ng Bayambang.
Sa ngalan ni Mayor Nina Jose-Quiambao, pinangunahan ang delegasyon nina Councilor Jocelyn Espejo, Councilor Rhyan de Vera, Municipal Accountant Flexner de Vera, at Valentine Garcia ng Municipal Administrator’s Office.
Ang mga opisyal ay mainit na sinalubong nina Urbiztondo Mayor Modesto Operania, Vice-Mayor Alexis dela Vega at kanilang mga kawani. (RSO; Ernesto Lopez)












