LGU-Bayambang, Muling Tumanggap ng “Unmodified Opinion” mula sa COA

Muling tumanggap ng pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit (COA) ang Pamahalaang Lokal ng Bayambang! Sa ulat na ipinadala sa Tanggapan ng Punong Bayan, nagbigay ang COA ng isang “unmodified opinion” ukol sa pagiging makatarungan at tumpak ng presentasyon ng financial statement ng LGU para sa taong 2024. Ang “unmodified opinion” ay itinuturing na pinakamagandang opinyon na maaaring matanggap ng isang ahensya ng pamahalaan mula sa mga state auditor.

Congratulations sa buong LGU-Bayambang sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Niña Jose-Quiambao!