LGU-Bayambang, Muling Nag-update ng CDP

Ang LGU-Bayambang ay nagsagawang muli ng pormulasyon ng isang updated at risk-based Comprehensive Development Plan sa Baguio City mula August 11 hanggang 15.

Sa risk-informed CDP, isang medium-term plan para sa mga taong 2026 hanggang 2031, isinama sa diskusyon ang disaster risk reduction at climate change adaptation sa kabuuang proseso ng development planning.

Sa ganitong paraan, natitiyak na isinasa-alang-alang ang mga posibleng panganib at kahinaan sa pagbuo ng mga estratehiya, programa, at proyekto para sa kaunlaran, na nagreresulta sa mas resilient at sustainable na komunidad.

Ang limang araw na CDP updating activity, na pinangunahan ng Municipal Planning and Development Office, ay dinaluhan ng lahat ng elective at appointed officials ng LGU, pati na ang CSO representatives.

Naging resource speaker naman si LGOO IV Marilou Ortiz at tumulong sa mga naging deliberasyon upang tukuyin ang mga pinakamahalagang PPAs (plans, projects, and activities). (RSO; MLO)