Noong Pebrero 11, 2026, muling tumanggap ang LGU-Bayambang ng Plaque of Recognition mula sa DA-Agricultural Training Institute-Regional Training Center I (ATI-RTC I) bilang pagkilala sa aktibong partisipasyon at suporta ng LGU-Bayambang sa mga training, seminar, at extension service ng ATI-RTC I upang mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng ating mga magsasaka at Agricultural Extension Workers tungo sa mas produktibo, makabago, at sustenableng agrikultura.
Sa buong Rehiyon I, isa ang Lokal na Pamahalaan ng Bayambang sa ginawaran ng parangal at pagkilala bilang parte ng kanilang 39th founding anniversary na may temang “ATIng Gabi ng Parangal at Pagkilala: Kasanggang Ektensyon a Pangisdaan at Agrikultura.”
Ang parangal na ito ay patunay na ang LGU-Bayambang sa pamumuno ni Mayor Niña Jose-Quiambao bilang pinuno rin ng Municipal Agriculture Office ay patuloy ang dedikasyon at suporta sa mga magsasakang Bayambangueño na mapalakas ang kanilang kakayahan sa larangan ng agrikultura.
Tinanggap ng MAO ang nasabing parangal bilang pangunahing departamento na concerned sa agriculture development ng bayan. (NM; MAO)




