LGU-Bayambang, Magbibigay ng Suporta sa mga Barangay Fiesta

Sa isinagawang pulong ng Samahan ng mga Barangay Kagawad sa Balon Bayambang, Pangasinan, Inc. (SBKBBPI), ang dating Bayambang Barangay Kagawad Association of Pangasinan, Inc. (BBKAPI), ngayong araw, Marso 17, 2025, sa Balon Bayambang Events Center, tinalakay ng grupo ang mahahalagang usapin na may kaugnayan sa kaunlaran ng mga barangay sa bayan ng Bayambang.

Isa sa naging pangunahing paksa ang nalalapit na Town Fiesta 2025, kung saan nagbigay ng presentasyon si Dr. Rafael L. Saygo, MTICAO Head at BPC President.

Inanunsyo rin niya na magbibigay ng suporta ang LGU-Bayambang sa lahat ng barangay para sa kanilang mga pista. Ang tulong pinansyal ay kinabibilangan ng:

—₱5,000 mula kay Mayor Niña Jose-Quiambao

—₱4,000 mula kay Vice-Mayor Ian Camille Sabangan

—₱8,000 mula sa Team Quiambao-Sabangan

Sa isinagawang open forum, nagkaroon ng pagkakataon ang mga kasapi ng BBKAPI na ipahayag ang kanilang mga hinaing at pangangailangan, na agad namang tinugunan ng mga department at unit heads.

Sila ay isa-isang nagbigay ng kongkretong solusyon upang higit pang mapabuti ang mga serbisyong nakalaan para sa mga barangay. (RGDS/RSO; JMB)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka