Isang plake ng pagpapahalaga ang iginawad ng DICT sa ICTO-Bayambang dahil sa matibay na pagsuporta ng LGU sa eGOV PH app at eLGU System ng ahensya, na siyang nagsusulong ng mga inisyatibong kaugnay ng ICT tungo sa pagpapayabong ng digitalization ng public service.
Ito ay iginawad bilang parte ng eLGU Launching and Kick-off ceremony ng DICT noong June 6, 2024, sa Lingayen, Pangasinan.
Sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, tinanggap ang naturang plake ni ICTO Deputy Jezreel Jay Junio.