Ang LGU-Bayambang ay dumalo sa 2024 4Ps Partnership Summit noong October 16, 2024, sa Leisure Coast Resort, Dagupan City upang tanggapin ang pagkilala ng DSWD Field Office I sa mga kontribusyon ng partner stakeholders gaya ng LGU-Bayambang at CSOs sa implementasyon ng 4Ps sa Rehiyon Uno.
Kabilang sa kinilala ng DSWD ay ang pag-allocate ng LGU ng budget sa 2024 Annual Investment Plan nito para sa implementasyon ng 4Ps, ang inisyatibong 4Ps members’ graduation, ang support at commitment nito sa programa, at ang aktibong pakikilahok ng nabanggit na CSO sa 4Ps implementation.
Kasama ng MSWDO Officer sa okasyon sina Pastor Lito Alcantara ng Bayambang for Jesus Movement Inc. (RSO; MSWDO)