Tinanggap ng LGU-Bayambang at ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang Plaque of Recognition mula sa Cooperative Development Authority – National Office para sa patuloy na suporta at commitment nito sa Merger/Consolidation Program ng CDA.
Ang pagkilalang ito ay iginawad noong nakaraang seremonya sa “Anniversary of the Charter Day of the CDA,” na ginanap noong Agosto 6, 2026, sa Seda Vertis North Hotel, Cubao, Quezon City.
Nirepresenta ni former Municipal Councilor Amory M. Junio, BPSO Deputy/Head, si Mayor Quiambao sa nasabing parangal.
Patunay ito na ang Bayambang ay katuwang ng CDA sa pagpapalakas at pagpapatatag ng mga kooperatiba. Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Niña, patuloy na isinusulong ng LGU ang mas matatag, mas malaki, at mas epektibong kooperatiba para sa kabuhayan ng bawat Bayambangueño. (MCDO; MCDO)





