LGU-Bayambang, Kabilang sa mga Kampeon sa Mabuting Pamamahala!

Ang LGU-Bayambang ay nagkamit ng rating na 100% compliance sa Full Disclosure Policy (FDP) postings mula CY 2024 hanggang unang kwarter ng 2025, ayon sa audit ng DILG.

Ang tagumpay na ito ay malinaw na patunay ng matatag na pagtatalaga ng ating LGU, sa pamumuno ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa transparency, accountability, at good governance.

Sa patuloy na pagsusumite at paglalathala ng kinakailangang mga dokumento sa pamamagitan ng FDP Portal, patuloy na itinataas ng LGU-Bayambang ang pamantayan para sa financial transparency o open governance at citizen empowerment.

Ang pagkilalang ito ay isang patunay na walang tinatago o walang bahid ng korapsyon sa lokal na pamamahala. Kaya naman ito ay higit pang magpapalakas ng tiwala ng publiko at bubuo ng mas tumutugon at people-centered na lokal na pamahalaan para sa lahat ng Bayambangueño. (RSO; DILG)