Ang Pamahalaang Lokal ng Bayambang ay buong dangal na lumahok sa 3rd National Conference ng Philippine Academic Society for Climate and Disaster Resilience (PASCDR) na may temang “Localizing Science-Based and Creative Innovations for Climate Change Action and Disaster Risk Reduction through Partnership and Collaboration.” Ang nasabing kumperensiya ay ginanap noong Oktubre 8–10, 2025 sa De La Salle University, Manila.
Layunin ng pagtitipong ito na pagtibayin ang mga inisyatiba at kolaborasyon sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan, mga institusyong akademiko, at iba’t ibang sektor upang higit pang mapalakas ang mga programang nakabatay sa agham at malikhaing solusyon para sa disaster risk reduction at climate change adaptation.
Sa loob ng tatlong araw, tinalakay ang mga ang iba’t ibang pananaliksik, inobasyon, at best practices na naglalayong higit pang patatagin ang mga DRR-CCA (Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation) initiatives sa antas lokal. Nagkaroon din ng mga presentasyon, forum, at workshop na nagbigay-daan sa palitan ng kaalaman at karanasan mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.
Sa pamamagitan ng pagdalo ng LGU Bayambang, muling pinatotohanan ng pamahalaan ang matibay nitong pangako sa pagpapaigting ng mga proyektong pangkalikasan, pangkaligtasan, pangkaunlaran, paggamit ng agham at inobasyon, kasabay ng patuloy na pagsusulong ng mga sustainable at climate-resilient communities para sa lahat ng Bayambangueño.












