LGU Bayambang, Ipinagdiwang ang United Nations Month 2024

Makukulay, magagarbo at naglalakihang kasuotan ang ibinida ng 66 na kalahok sa Best in Costume Contest bilang parte ng selebrasyon ng United Nations Month 2024, ngayong araw, October 21 sa Balon Bayambang Events Center.

Iniuwi ni Dr. Rafael Saygo (Trinidad and Tobago) ang titulong Grand Winner sa naturang patimpalak na may premyong P50,000.1st Runner  up naman si Sammy Lomboy (Egypt) na nakakuha ng P30,000 pesos, at si Manuel Tamayo (India) naman ang 2nd runner up na nakakamit ng P20,000 pesos.

Nakamit din ni Sammy Lomboy ang Best in Stage Entrance na inisponsoran ng isa sa mga hurado na si Ms. Janna Louise Ajon.

Nasungkit naman ng Office of the Senior Citizens Affairs o (OSCA) at Municipal Tourism Information and Cultural Affairs Office (MTICAO) ang titulong best in costume sa Group Category, na pawang tumanggap ng P20,000.

Hindi naman umuwing luhaan ang mga hindi pinalad manalo dahil ang lahat ng kalahok ay nakatanggap ng tig-1,000 pesos bilang consolation prize.

Ang lahat ng cash prizes ay nagmula mismo sa sariling bulsa ni Mayor Niña Jose Quiambao.

Ang tagumpay ng naturang selebrasyon ay dahil na rin sa pag-oorganisa ng Municipal Administrator’s Office sa ilalim ni Atty. Rajini Sagarino-Vidad.

Angela Suyom/Sharlene Joy Gonzales/Shin G; Rob Cayabyab)