LGU-Bayambang, Handang-handa na para sa Ligtas at Mapayapang Halalan

Bilang bahagi ng pagtiyak sa isang maayos, ligtas, at mapayapang halalan, puspusan na ang paghahanda ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Nakalatag na ang mga plano upang matiyak ang kaayusan sa darating na halalan.

Kasama rito ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa COMELEC, Bayambang Municipal Police Station, Bureau of Fire Protection, at iba pang law enforcement agencies.

Kasama sa mga hakbangin ng LGU ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa mga polling precincts, pag-deploy ng karagdagang mga pulis at tanod, at pagbibigay ng impormasyon sa publiko hinggil sa tamang asal sa panahon ng pagboto.

Nakahanda rin ang mga emergency response team upang agad na tumugon sa anumang insidente.

Nagsagawa na rin ng mga orientation at simulation exercises ang mga miyembro ng LGU upang maging handa sa anumang sitwasyon sa araw ng botohan.

Pinapayuhan ang publiko na sumunod sa mga itinakdang patakaran ng COMELEC at iwasan ang anumang uri ng karahasan o pananakot.

Nanawagan naman ang LGU sa lahat ng kandidato at kanilang mga tagasuporta na pairalin ang patas at mapayapang laban, habang patuloy namang hinihikayat ang mga mamamayan na maging mapanuri at responsable sa pagpili ng kanilang mga lider. (KB/RSO; JMB)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka