Ang LGU-Bayambang ay ginawaran ng GSIS ng Seal of Protection Award – Gold Category dahil sa consistent na pagpupunyagi nitong maipa-insure ang mga local government property at equipment nito.
Ang pagkilalang ito ay tinanggap ng General Services Office (GSO) sa seremonyang ginanap sa Iloilo Convention Center, Iloilo City ngayong araw, November 20, 2025.
Bilang kinatawan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, personal na tinanggap ang parangal ni GSO department head Chinita S. de Vera at kanyang mga staff. (RSO; GSO)






