LGU-Bayambang, Ginawaran ng Excellence Award ng PhALGA

Ang LGU-Bayambang, sa pamamagitan ng Municipal Accounting Office, ay nakatanggap ng Excellence Award mula sa PhALGA o Philippine Association of Local Government Accountants noong May 15 sa CAP-John Hay Trade and Cultural Center, Baguio City, bilang parte ng 19th Annual National Conference ng grupo.

Ang pagkilalang ito ay para sa mga LGU na may Unmodified o Unqualified Audit Opinion base sa 2022 COA Annual Audit Report ng Commission on Audit.

Ang parangal ay tinanggap ni OIC Municipal Accountant Flexner de Vera mula kina COA Commissioner Roland C. Pondoc at PhALGA President Smith O. Valdez. (RSO; FMV, Michael Louie Iglesias)