LGU-Bayambang, Dumalo sa Joint Meeting ng PDC, PPOC, at PADAC

Dumalo sina LDRRMO Genevieve Uy at MPDC Ryan James Nicholai Dizon bilang kinatawan ng LGU-Bayambang sa Joint Meeting ng Provincial Development Council (PDC), Provincial Peace and Order Council (PPOC), at Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), kung saan tinalakay ang iba’t ibang usapin ukol sa kaunlaran, kapayapaan, kaayusan, at kampanya laban sa ilegal na droga sa lalawigan.

Ang naturang joint meeting ay ginanap noong nakaraang Hunyo 16, 2026, sa Sison Auditorium, Lingayen.

Sa naturang pagpupulong na pinamunuan ni Vice-Governor Mark Ronald Lambino bilang kinatawan ng Gobernador, nagbigay ng mga ulat at mahahalagang updates sina Engr. Rowena Ignacio, Provincial Planning and Development Coordinator; Atty. Gerald Gallardo, Provincial Director ng DILG; PLTCOL Marceliano Desamito Jr., Deputy Provincial Director for Administration ng Philippine National Police; LTCOL Christopher Manimtim, Commanding Officer ng 71st Infantry Battalion, Philippine Army; at IA Dexter Asayco, Provincial Officer ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga dumalo na magbigay ng kanilang mga katanungan at mungkahi sa pamamagitan ng isang open forum at question-and-answer session.

Patuloy na nakikibahagi ang LGU-Bayambang sa mga gawaing naglalayong mapalakas ang koordinasyon at pagtutulungan para sa mas maunlad, mapayapa, at ligtas na komunidad.