LGU-Bayambang at University of the Philippines Los Baños-Biotech, Lumagda sa isang MOA

Noong June 23, 2025, ang LGU-Bayambang ay lumagda sa isang Memorandum of Agreement kasama ang UPLB National Institute of Molecular Biology and Biotechnology sa UP Los Baños, Laguna.

 Ang MOA signing ay parte ng 45th anniversary celebration ng UPLB Biotech, at upang isulong ang biotechnology research and innovations ng UP-Biotech sa bayan ng Bayambang bilang parte naman ng agricultural modernization program ng administrasyon ni Mayor Niña Jose-Quiambao.

Naging kinatawan ni Mayor Niña si Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, sa naturang MOA signing, at pinangunahan naman ni UPLB Chancellor, Dr. Jose V. Camacho, ang panig ng UPLB. (RSO; MLO)