LGU-Bayambang at LTO, Nakipagdayalogo sa mga E-Bike at E-Trike Diver at Operator

Upang mabigyang-linaw ang mga umiiral na panuntunan at mapalakas ang kaayusan sa kalsada, nagsagawa ng dialogue at orientation ang LGU-Bayambang katuwang ang Land Transportation Office (LTO)-Bayambang kasama ang mga e-bike at e-trike operator at driver sa Sangguniang Bayan (SB) Session Hall, Legislative Building, nitong December 17.

Ang dayalogo ay isinagawa bilang pagtalima sa inilabas na direktiba ng Department of Transportation (DOTr) noong nakaraang buwan kaugnay sa regulasyon ng paggamit ng mga e-bike at e-trike, partikular ang pagbabawal sa pagmamaneho ng mga ito sa mga national road at iba pang pangunahing kalsada, maliban na lamang kung may malinaw na pahintulot at alinsunod sa itinakdang patakaran.

Nagkaroon ng bukas na talakayan kung saan naipahayag ng mga dumalong e-bike at e-trike owner ang kanilang mga katanungan at hinaing, na agad namang binigyang-linaw ng mga kinatawan ng LGU at LTO.

Ang dayalogo ay pinangunahan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, kasama sina LTO-Bayambang OIC Chief Ma. Dolores Soliven, BPSO Chief, Ret. Col. Leonardo Solomon, TFD Deputy Officer Amory Junio, at SB Secretary Joel Camacho. (RGDS/RSO; AG)