Pinangunahan ni Special Assistant to the Office of the Mayor (SATOM), Dr. Cezar T. Quiambao, ang isang mahalagang pagpupulong ngayong araw, Mayo 8, 2025, sa Municipal Conference Room upang talakayin ang mungkahing rebisyon sa kasalukuyang Deed of Usufruct para sa Bayambang Central Terminal.
Ang Deed of Usufruct ay isang kasunduan sa pagitan ng LGU-Bayambang at Pangasinan State University, kung saan maaaring gamitin at pakinabangan ng LGU ang naturang lote ng PSU nang hindi ito gaanong binabago o sinisira.
Dumating sa pulong sina University President, Dr. Elbert Galas; Vice-President for Local and International Affairs, Dr. Ian Evangelista; Campus Executive Director, Dr. Gudelia M. Samson; at Legal Officer, Atty. Darius de Guzman para sa panig ng PSU.
Bagama’t hindi pa pinal ang mga mungkahing amyenda at ang mga ito ay muling tatalakayin sa susunod na pulong, ang naging pag-uusap ay itinuturing na isang mahalagang hakbang patungo sa makabago at mas epektibong sistema ng pampublikong transportasyon sa bayan ng Bayambang. (RGDS/RSO; AG)