LGU at Palafox Assoc., Nagdayalogo ukol sa Land Area at Boundary Delineation ng Bayambang

Ang mga opisyal ng LGU ay nakipagdayalogo sa urban planning firm na Palafox Associates upang pag-usapan ang land area at territorial boundaries ng munisipalidad.

Nirepresenta ang Palafox nina Kim Joseph Santos at Ryan James Dizon na pawang mga Environmental Planner.

Matatandaang mayroong territorial border issues ang bayan ng Bayambang sa mga karatig-bayan nito, at dahil dito ay apektado ang opisyal na sukat ng land area nito.

Naroon sa pulong sina OIC Liga ng mga Barangay President Rodelito Bautista, SB Committee Chair on Housing and Land Utilization, Councilor Gerry Flores, Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, Engineering Office, Assessor’s, MDRRMO, ICTO, MTICAO, MPDC, Budget, Internal Audit, Treasury, Accounting, at concerned staff.

Ginanap ang dayalogo ngayong araw, April 5, 2024, sa Mayor’s Conference Room.

Patuloy ang magiging talakayan ng magkabilang-panig para maisaayos ang mga detalye ng mga dapat gawin upang maresolba ang naturang isyu.