Ngayong araw, ika-3 ng Nobyembre 2025, ang LGU Bayambang ay pormal na lumagda sa isang Memorandum of Agreement kasama ang GCash para sa enhancement features ng Bayambang Community Service Card.
Ang kasunduang ito ay bahagi ng programa ng administrasyon sa ilalim ni Mayor Niña Jose-Quiambao para sa digitalization at financial innovation sa mga serbisyo ng pamahalaan, na layuning gawing mas mabilis, episyente, at accessible ang mga transaksyon para sa bawat Bayambangueño.
Sa ilalim ng bagong partnership na ito, mas mapapadali na ang pagbibigay ng ayuda sa mga benepisyaryo, mas magiging efficient ang pag-avail ng business opportunities, at mas mabilis na maisasagawa ang mga over-the-counter payments sa mga tanggapan ng pamahalaan.
Layon din ng inisyatibong ito na ma-enhance ang paggamit ng Bayambang Community Service Card bilang isang all-in-one digital tool para sa mga social services, lokal na programa, at iba pang transaksyong pinansyal ng mga mamamayan.
Samantala, ipinahayag naman ng GCash ang kanilang buong suporta sa mga programa ng lokal na pamahalaan na naglalayong palawakin ang digital inclusion at financial empowerment sa antas ng komunidad.
Ito ay isang hakbang tungo sa mas progresibo, inklusibo, at modernong pamamahala — isang kongkretong halimbawa ng kung paano nagsasanib-puwersa ang mga pribadong kumpanya at lokal na pamahalaan para sa patuloy na kaunlaran ng bayan ng Bayambang tungo sa pagiging ‘smart town.’ (KB/RSO; AG, Rob Cayabyab)


