LGU at Donor Partners, Muling Nagpamahagi ng Uniporme sa TODA-Bayambang

Matapos ang unang batch, muling naghatid ng ngiti ang ikalawang batch ng pamamahagi ng mga bagong uniporme para sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ng Bayambang ngayong araw, November 6, 2025 na ginanap sa Pinoy Workers Satellite Office, Brgy. Zone VI.

Ang proyektong ito ay pinondohan nina Mayor Niña Jose-Quiambao, SATOM Dr. Cezar T. Quiambao, Vice-Mayor IC Sabangan, BM Raul Sabangan, at Konsehal Zerex Terrado, bilang bahagi ng mas malawakang adhikain para sa modernisasyon at kaligtasan ng mga tsuper.

Ayon kay Task Force Disiplina Deputy Amory Junio, patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang kapakanan ng mga TODA, at ang pamamahaging ito ay bahagi ng TODA Modernization Roadmap na layong makumpleto bago mag-2026. (VMF/RSO; JMB)