Ang City Government of Alaminos, katuwang ang Pangasinan State University–Alaminos City Campus, ay bumisita sa Lokal na Pamahalaan ng Bayambang upang matuto ng kaalaman kaugnay ng Matalunggaring Awards, noong Disyembre 16, 2025, sa Mayor’s Conference Room.
Sa aktibidad na ito, nagbahagi ang pamahalaang lokal ng mga mekanismo sa pagkilala ng mga natatanging mamamayan, bilang bahagi ng plano ng siyudad ng Alaminos na magtatag ng kahalintulad na parangal para sa mga Alamininians.
Sa ngalan ni Mayor Arth Celeste, pinangunahan ang delegasyon ng Alaminos City nina City Administrator Dr. Emielou E. Gellado, OIC-City Information Officer Venus N. Balgua, PESO Manager Eleanor T. Bruno, Campus Director Dr. Liza L. Quimson at Campus Executive Secretary, Dr. Levi Jethro N. Balgua, ng PSU-Alaminos City Campus.
Sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, sila ay winelcome nina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, Sangguniang Bayan Secretary Joel V. Camacho, Sangguniang Kabataan Federation President John Roy Jalac, PIO Resty Odon, at SLEO Gernalyn Santos.
Sa talakayan, ibinahagi ng LGU-Bayambang ang mga best practices, pamantayan, at proseso ng Matalunggaring Awards na nakatuon sa pagkilala ng mga natatanging Bayambangueno na may kahanga-hanga at nakaka-inspire na mga achievements para sa Bayambang o maging saan mang dako sa anumang larangan.
Nagpahayag ng pasasalamat ang City Government of Alaminos sa mainit na pagtanggap at bukas na pagbabahagi ng kaalaman ng LGU-Bayambang. Inaasahan na ang benchmarking na ito ay magsisilbing pundasyon sa pagbuo ng isang makabuluhang awards program na kikilala sa mga natatanging ambag ng mga mamamayan ng Alaminos City. (RSO; JMB, SB)









