Isang pamilya ang kaagad na tinulungan ng LGU sa utos ni Mayor Niña Jose-Quiambao matapos mapag-alamang tinangay ng malakas na hangin at ulan dulot ng buhawi ang bubong ng kanilang bahay kinahapunan ng Mayo 5, 2025, sa Brgy. Langiran.
Kagyat na naipaabot ng MSWDO ang P10,000 cash mula kay Mayor Niña at food pack kay Gng. Adelina Centino de Vera, katulong ang MDRRMO, Engineering Office, at Langiran Barangay Council.
Kasalukuyang naninirahan sa katabing bahay ng anak ni Gng. Adelina ang mga apektadong residente.
Samantala, isang tahanan naman ang natumbahan ng puno malapit sa lugar, at agad namang rumesponde ang LGU upang putulin ang mga sangang tumama sa bahagi ng bahay.
Inaasibuhan ang publiko na mag-ingat kapag may mga thunderstorm na maaring magdulot ng malakas na hangin. (RSO; MSWDO)