LGBTQI Assoc., Nakipagtulungan sa Kampanya Laban sa HIV

Nagkaroon ng isang seminar ukol sa HIV-AIDS Awareness noong ika-29 ng Nobyembre, 2023, sa Balon Bayambang Events Center, sa inisyatibo ng LGBTQI Association of Bayambang kasama ang Municipal Social Welfare and Development Office.

Naging resource speaker si Provincial Population Program Officer II Jewel Rey Padilla.

Ang nasabing seminar ay nagbigay-diin sa mga paraan ng pag-iingat, pagsusuri, at pangunahing impormasyon ukol sa pagsugpo at pag-iwas sa HIV-AIDS. Ipinaliwanag din ang kahalagahan ng pagkakaroon ng regular na screening.

Bilang bahagi ng programa, nagsagawa rin ang RHU I ng HIV testing para sa ilang partisipante upang malaman ang kanilang status at magkaroon ng zero stigma tungkol sa HIV infection.

Ayon sa RHU, mula January hanggang November 2023, wala pang naitalang kaso ng HIV dito sa Bayambang. (by Khim Ambrie L. Ballesteros/RSO)