Bilang parte ng pagdiriwang ng Pride Month, ang mga miyembro ng LGBTQI Bayambang kasama ang LGU-Bayambang, ay nagsagawa ng isang bongga at malawakang clean-up drive sa Poblacion area bilang suporta ng grupo sa Bali-Bali’n Bayambang project ni Mayor Niña.
Matapos ang masinsinang water flushing ng BFP, Hawak ang walis tingting at pandakot, kanilang ginalugad ang mga sulok ng sentro ng bayan upang magbigay ng magandang ehemplo at bilang paalala sa lahat na panatilihing malinis at maaliwalas ang lahat ng sulok ng Bayambang.
Pinangunahan ang aktibidad ni Municipal Administrator, Atty. Rajini S. Vidad, LGBTQI Bayambang President Mader Sammy, at outgoing Municipal Councilor and SB Social Committee Chairman Benjie de Vera. (RSO; JMB)