Noong May 03, ay sinadya ng ilan sa mga empleyado ng Municipal Legal Office ang Department of Agrarian Reform (DAR) Provincial Office sa Urdaneta, Pangasinan kasama ang ilan sa mga aplikante ng Locational Clearance na dinidinig ng Local Zoning Board of Appeals (LZBA) ng Bayambang. Ang naturang pagbisita ay naging daan upang magkaroon ng inisyal na konsultasyon hinggil sa pagsunod sa patakaran sa pagkuha ng DAR Conversion Order ng mga nais magpagawa ng bahay o negosyo sa mga lupa na “agricultural” ang klasipikasyon sa ilalim ng Comprehensive Land Use Plan at Zoning Ordinance ng Bayambang.
Naging makabuluhan ang naging pag-uusap, at inaasahan na ang mga panuntunang nakumpirma mula sa DAR ay patuloy na ipapatupad ng LZBA na walang kinikilingan. (MLO; larawan: MLO)