Legal Office, Nagbigay ng Seminar ukol sa Papel ng Pangkat Tagapagkasundo sa Pagpapatupad ng Katarungang Pambarangay

Ang Municipal Legal Office ay nagdaos ng isang seminar para sa mga Punong Barangay at iba pang mga kasapi ng Lupong Tagapamayapa ng Barangay hinggil sa “Mahalagang Papel ng Pangkat Tagapagkasundo sa Mabisa at Ganap na Pagpapatupad ng Katarungang Pambarangay.”

Ang seminar ay ginanap ngayong araw, Disyembre 12, 2024, sa Balon Bayambang Events Center.

Ang seminar ay dinaluhan ng mga Punong Barangay bilang Lupong Tagapamayapa Chairpersons at limang iba pang miyembro ng Lupon.

Kabilang sa mga naging resource persons sina Municipal Legal Officer, Atty. Bayani Brilliante Jr.; Legal Officer III, Atty. Melinda Rose Fernandez; at Juris Doctor Charlemagne Papio. (Angela Suyom/RSO; AG)