LDRRMO Genevieve N. Uy, Matagumpay na Nagtapos ng Masters in Crisis and Disaster Risk Management ng PPSC

Ngayong ika-9 ng Abril 2026, matagumpay na nagtapos si LDRRMO Genevieve N. Uy ng Masters in Crisis and Disaster Risk Management (MCDRM) mula sa Philippine Public Safety College (PPSC) kung saan ito ay isang programa na binubuo ng 36 units at may mga kursong Perspectives on Public Safety, Management: Theories and Principles, Leadership and Human Behavior in Organization, Laws and Public Policies, Research Methodologies, Climate Change Adaptation and Sustainable Development, Crisis Management, Executive Course on Disaster Risk Management, International Emergency Management, Public Fiscal Management, at Capstone Research at isinagawa sa loob ng isang taon, na naglalayong higit pang palalimin at patatagin ang kaalaman at kakayahan sa larangan ng Disaster Risk Reduction Management (DRRM).

Sa loob ng nasabing panahon, dumaan siya sa masusing pagsasanay na kinabibilangan ng online at face-to-face classes, paggawa ng mga presentasyon at polisiya, pati na rin ang pakikipag-ugnayan at pag-aaral sa iba’t ibang ahensya sa pamamagitan ng lakbay-aral o benchmarking. Bahagi rin ng kanyang paglalakbay ang Local Academic Exposure and Study sa Baybay, Leyte at ang International Field Exposure and Study sa Japan, kung saan nasaksihan at natutunan ang mga makabagong estratehiya at best practices sa DRRM.

Isa sa mga naging tampok ng kanyang akademikong tagumpay ay ang matagumpay niyang pagdepensa sa kanyang research study na pinamagatang “Assessment of Data Gathering Practices and Challenges of Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committees in Bayambang, Pangasinan”—isang pag-aaral na nagbibigay-liwanag sa kasalukuyang kalagayan at hamon sa pangangalap ng datos sa antas ng barangay.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng kanyang dedikasyon at pagsusumikap, kalakip ang walang sawang suporta ng Local Government Unit sa pangunguna ni Hon. Mary Clare Judith Phyllis Jose-Quiambao, gayundin ng mga kapwa department at unit heads.

Taos-pusong pagbati at karangalan, LDRRMO Genevieve N. Uy! Nawa’y magsilbing inspirasyon ang iyong tagumpay sa patuloy na pagsusulong ng mas ligtas, handa, at matatag na komunidad. Ang iyong tagumpay ay tagumpay rin ng buong komunidad.