LCRO, Tuloy-Tuloy sa Data Capturing para sa Community Service Card ng mga Bayambangueño

Tuloy-tuloy pa rin sa pag-ikot sa 77 barangays ng ating bayan ang LCRO staff para sa data capturing ng mga wala pang Community Service Card.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 65,000 na indibidwal ang nakunan ng personal na impormasyon para mabigyan sila ng service card.

May 25,000 pang indibidwal na edad 18 at pataas ang dapat na makuhanan ng data capturing para maabot ang target na 90,000 na Bayambangueños.

Ang ideyang ito ni former mayor Cezar T. Qiambao ay para magkaroon ng tunay na pagkakilanlan at tatak ang lahat sa mga bona fide na Bayambangueño sa pamamagitan ng card na ito.

Magagamit ang card sa lahat ng serbisyong ibinibigay ng LGU tulad ng financial assistance, health care benefits, social services, at marami pang iba.

Narito ang listahan ng mga barangay na napuntahan ng mga staff ng LCRO kung saan may 263 na data ang na-capture para sa Community Service Card sa buwan ng Agosto 2024:

Sancagulis – 27

Darawey – 15

Dusoc – 16

Bongato East – 6

Bongato West – 10

Amancosiling Norte – 9

Amancosiling Sur – 7

Bical Norte – 15

Buayaen – 56

Bical Sur – 67

Apalen – 15

San Gabriel 1st – 7

Telbang – 13

(LCRO/RSO; LCRO)