Ngayong araw ng Huwebes, October 2, 2025, nagpunta ang Local Civil Registry Office sa Ataynan Elementary School upang magsagawa ng info drive ukol sa tamang pagrerehistro at mga update sa PSA memorandum circulars.
Inimbitahan dito ang mga teachers, parents at barangay officials upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa civil registration at maiwasan ang anumang pagkakamali sa mga civil registry records.
Naging speaker dito si MCR Ismael D. Malicdem Jr. at sinagot niya ang mga concerns ng mga guro at magulang.
Nagbigay din ng mensahe at suporta sina Ataynan ES Principal Marlo Z. Balbin, Brgy. Kagawad Manny Reyes, at PTA President Lolita R. Alvarez sa aktibidad. (text: LCRO/RSO; photos: LCRO)









