Noong August 29, 2024, ang Local Civil Registry Office (LCRO) kasama ang Philippine Statistics Authority (PSA) ay nag-award ng Birth Certificates in Security Paper sa 50 recipients mula sa 10 barangay para sa programang Birth Registration Assistance Project (BRAP).
Ito ay ginanap sa Brgy. Alinggan Covered Court at dinaluhan ng mga benepisyaryo kasama ang mga opisyales ng mga nasabing barangay.
Ang mga 50 benepisyaryo ng iba’t-ibang barangay ay ang mga sumusunod:
Brgy. Tococ West: 9 beneficiaries
Brgy. Langiran: 8 beneficiaries
Brgy. Beleng: 5 beneficiaries
Brgy. Macayocayo: 2 beneficiaries
Brgy. Alinggan: 7 beneficiaries
Brgy. Bani: 4 beneficiaries
Brgy. Banaban: 3 beneficiaries
Brgy. Sapang: 2 beneficiaries
Brgy. Buenlag 1: 2 beneficiaries
Brgy. Brgy. Tambac: 8 beneficiaries
Sa kasalukuyan, may total na 404 birth certificates in security paper ang narehistro at ibinigay na libre ng LCRO at PSA sa mga kwalipikadong kababayan natin.
Patuloy pa rin sa pangangalap ang LCRO sa ating 77 barangays ng mga residenteng wala pang birth certificate para matulungan sila lalo na ang mga mahihirap nating kababayan. (LCRO/RSO; LCRO)