Noong September 4, 2025, nagpunta ang Local Civil Registry Office sa Catalino Castañeda Elementary School sa Brgy. Sanlibo upang magsagawa ng IEC ukol sa tamang pagrerehistro at updates sa PSA memorandum circulars.
Inimbitahan dito ang mga teachers, parents, at barangay officials upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa civil registration at maiwasan ang anumang pagkakamali sa mga civil registry records.
Naging speaker dito si MCR Ismael D. Malicdem, Jr. at sinagot niya ang mga concerns ng mga guro at magulang.
Nagbigay rin ng mensahe at suporta sina Principal Felipe T. Vallo, Jr., Mr. Jeremiah Palisoc, at PTA President Janet B. Agas sa aktibidad na ito.
Kasama rin dito ang Community Service Card team upang makapagdata-capture at magbigay ng kaalaman ukol sa iba pang proseso ng Local Civil Registry. (LCRO/RSO; LCRO)







