LCRO, Nagpatuloy ng Info Drive sa Dusoc

Noong September 12, nagpunta ang LCR sa Dusoc Elementary School upang magsagawa ng information drive ukol sa tamang pagrerehistro at updates sa PSA memorandum circulars.

Inimbitahan dito ang mga teachers, parents at barangay officials upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa civil registration at maiwasan ang anumang pagkakamali sa mga civil registry records.