Ngayong araw ng Biyernes, November 14, 2025, nagpunta ang Local Civil Registry Office sa Brgy. Telbang Covered Court upang magsagawa ng information drive ukol sa tamang pagrerehistro at mga update mula sa mga PSA memorandum circular.
Inimbitahan dito ang mga guro, magulang, at opisyal ng barangay upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa civil registration at maiwasan ang anumang pagkakamali sa mga civil registry records.
Naging tagapagsalita rito si MCR Ismael D. Malicdem, Jr., at sinagot niya ang mga concerns ng mga magulang.
Nagbigay din ng mensahe at suporta sina Telbang Elementary School Principal Robert P. Rebamontan at Punong Barangay Carlos S. Sta. Teresa sa aktibidad. (LCRO/RSO; LCRO)













