Ang Local Civil Registrar ay nagsagawa ng isa na namang libreng Delayed Registration of Birth activity sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Statistics Authority bilang parte ng “Birth Registration Assistance Project” ng ahensya.
Noong March 5, 6 at 11, sila ay nagtungo sa Brgy. Manambong Sur, Manambong Parte, Paragos, Bical Sur, Sancagulis, at Bongato East.
Kasabay pa rin nito ang pag-aasiste sa mga wala pang birth certificate at pag-award ng birth certificate in security paper sa mga nag-apply.
Ang LCR ay may 36 na kabuuang benepisyaryo sa nasabing serye ng aktibidad. (JJ/RSO; LCR)