LCR, Nag-info Drive sa Buayaen Central School

Nagpunta ang Local Civil Registry sa Buayaen Central School noong ika-22 ng Nobyembre 2024 upang magsagawa ng information-education campaign (IEC) ukol sa tamang pagrerehistro at updates sa Philippine Statistic Authority (PSA) memorandum circulars.

Inimbitahan dito ang mga teachers at parents upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa civil registration at maiwasan ang anumang pagkakamali sa mga civil registry records.

Naging speaker dito si MCR Ismael D. Malicdem, Jr. at sinagot niya ang mga concerns ng mga guro at magulang.

Ipinakita rin ni Buayaen Central School Principal Lamberto R. de Vera ang kanyang suporta sa aktibidad na ito.

Kasama rin dito ang Community Service Card team upang makapag-data capture, magbigay ng flyers para sa darating na mass wedding, at iba pang proseso ng Local Civil Registry. (LCR/RSO; LCR)