LCR, Nag-info Drive sa Alinggan

Ang Local Civil Registry ay nagtungo sa Alinggan-Banaban Elementary School, Brgy. Alinggan noong ika-28 ng Nobyembre upang magsagawa ng IEC ukol sa tamang parerehistro at updates sa PSA memorandum circulars.

Inimbitahan dito ang mga teachers at parents upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa civil registration at maiwasan ang anumang pagkakamali sa mga civil registry records.

Naging speaker dito si MCR Ismael D. Malicdem, Jr. at sinagot niya ang mga concerns ng mga guro at magulang.

Ipinakita rin ni Alinggan-Banaban ES Principal Fe P. Balbin ang kanyang suporta sa aktibidad.

Kasama rin dito ang Community Service Card team ng LCR upang makapag-data capture at magbigay ng flyers ukol sa mass wedding at iba pang proseso ng departamento. (LCR/RSO; LCR)