LCR, Nag-house-to-House sa Pag-award ng Birth Certificate in SECPA; Patuloy na Naghandog ng Free Delayed Registration of Birth

Sa unang pagkakataon, ang Local Civil Registry Office ay nagsagawa ng house-to-house awarding ng mga Birth Certificate in Security Paper (SECPA) para sa mga residenteng nag-apply na taga-Brgy. Ligue, Maigpa, Banaban, Nalsian Sur, Asin, Sancagulis at Tamaro.

Kasabay nito ang pag-aasiste sa mga wala pang birth certificate sa Brgy. Banaban, Tanolong, San Vicente, Pugo, Managos, Tampog, Langiran, at Beleng.

Ang LCR ay may 38 na kabuuang benepisyaryo sa nasabing serye ng aktibidad.

Kasama rin dito ang Community Service Card team upang makapag-data capture at umasiste sa pagproseso ng iba pang dokumento o papeles ng Local Civil Registry. (LCRO; LCRO)