Noong September 17, 2025, nagpunta ang Local Civil Registry Office sa Idong Elementary School upang magsagawa ng IEC ukol sa tamang pagrerehistro at updates sa PSA memorandum circulars.
Inimbitahan dito ang mga teachers, parents at barangay officials upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa civil registration at maiwasan ang anumang pagkakamali sa mga civil registry records.
Naging speaker dito si MCR Ismael D. Malicdem, Jr. at sinagot niya ang mga concerns ng mga guro at magulang.
Nagbigay din ng mensahe at suporta sina Principal Eugenio T. de Leon, Jr., Brgy. Kagawad Rogenald B. Mendoza, at PTA President Kathy F. Eduria sa aktibidad.
Kasama rin dito ang Community Service Card team upang makapag-data capture at makapaggabay ukol sa iba pang proseso ng Local Civil Registry. (LCRO; LCRO)









