Ang Local Civil Registry Office ay nagpatuloy sa kanilang information and education campaign (IEC) sa Brgy. Buenlag 1st Covered Court at Brgy. Mangayao Covered Court nitong December 17 at 18, 2025.
Ito ay may pamagat na “Civil Registration: Kaalaman, Karapatan, Kinabukasan – Legal na Pagkakakilanlan para sa Lahat, Proteksyon Habangbuhay.”
Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga magulang at opisyal ng barangay hinggil sa tamang pagrerehistro at sa mga update mula sa PSA Memorandum Circulars, upang maiwasan ang mga pagkakamali sa civil registry records.
Nagsilbing tagapagsalita si MCR Ismael D. Malicdem, Jr., na masusing sumagot sa iba’t ibang katanungan at concern ng mga dumalo.
Nagbigay din ng mensahe at buong suporta ang mga Punong Barangay na sina PB Laureano R. Junio ng Brgy. Buenlag 1st at PB Romeo D. Junio ng Brgy. Mangayao.
Kabilang sa mga serbisyong inihatid ng Local Civil Registry Office ang mga sumusunod:
– Late registration of birth, death, at marriage
– Correction of clerical error / change of first name
– Correction of entry in sex / day and month of birth
– Acknowledgement / admission of paternity at affidavit to use the surname of the father
– Legitimation
– Supplemental Report
– Free mass wedding application
Patuloy ang Local Civil Registry sa pagbibigay ng serbisyong naglalayong tiyakin ang tamang legal na pagkakakilanlan ng bawat mamamayan bilang pundasyon ng kanilang karapatan at kinabukasan. (JJ; LCRO)











