Nagpulong ang Local Council for the Protection of Children (LCPC) at Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) para sa 3rd Quarter, sa pangunguna ni Councilor Benjie de Vera at ng Municipal Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni MSWD Officer Kimberly Basco.
Dito ay sinuri ng LCPC at LCAT-VAWC ang mga naunang programa at proyekto na nailunsad na para sa proteksyon at pag-unlad ng mga bata sa komunidad, at binuo ang mga bagong estratehiya at plano para sa susunod na kuwarter.
Kabilang sa naging usapin ang paglatag ng iba’t-ibang accomplishments ng mga miyembro ng LCPC na may kinalaman sa kapakanan ng mga kabataan sa apat na aspeto, di lamang ng protection at development, kundi pati survival at participation.
Ilan sa mga highlight ng talakayan ang diskusyon ukol sa LCAT-VAWC Annual Work and Financial Plan at Memorandum of Agreement kaugnay sa Gender-Responsive Case Management Social Technology at mga magaganap na aktibidad sa pagdiriwang ng Children’s Month 2024 at ang State of the Children’s Address ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa darating na Nobyembre.
Naroon din sa pagpupulong ang iba pang miyembro ng LCPC mula sa LGU at ang mga kinatawan ng national agencies at CSOs.
Ang pulong ay ginanap noong September 17, 2024, sa RHU 1 Conference Room. (ni Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan ni: JMB)