Noong May 28, 2024, muling nagpulong sa Mayor’s Conference Room ang Local Council for the Protection of Children (LCPC) at Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) sa pangunguna ni Municipal Mayor Niña Jose-Quiambao via Zoom video kasama sina SB Committee Chairman on Women, Children and Family, Councilor Benjie de Vera, Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, Supervising Tourism Operations Officer, Dr. Rafael L. Saygo, at ang mga department heads ng LGU at mga hepe ng mga national agency.
Dito ay tinalakay at iprinisenta ng council members ang kani-kanilang mga naging accomplishment sa apat na sektor para sa 2nd quarter ng taong 2024.
Ilan sa mga highlight ng talakayan ang mga sumusunod:
1. Survival: Ayon sa RHU, bumaba na ang bilang ng teenage pregnancy ngayong January-March 2024 kumpara noong Janary-March 2023, at sila ay nagcoconduct ng “Healthy Young Ones” para sa mga kabataan. Sila rin ay namimigay ng libreng iron with folic acid para sa mga buntis at basic oral health care.
2. Development: Ayon kay BPC President, Dr. Rafael L. Saygo, magbibigay ang butihing Mayor ng P2,000,000 mula sa Mayor’s Fund para sa Brigada Eskwela package na matatanggap ng mga kinder grade hanggang Grade 6. Dagdag pa nito, makakatanggap din ng 1,000 bags mula sa Local School Board ang mga daycare student.
3. Protection: Ayon sa PNP, sila ay nag-implementa ng Oplan Sagip, kung saan sila ay nagmomonitor ng mga menor de edad na nakakaranas ng pang-aabuso.
4. Participation: Patuloy pa rin ang MSWDO sa pagsasagawa ng 13th cycle ng Supplementary Feeding Program at Parents’ Effectiveness Service buwan-buwan sa bawat baragay. (nina: Angel Arquinez, Khim Ambrie Ballesteros/RSO; larawan: Ace Gloria)